Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Isabela mayor, SWAT member, sugatan sa granada

$
0
0

CITY OF ILAGAN, Isabela – Sugatan ang isang mayor ng Isabela at isang tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng pulisya habang napatay naman ang pangunahing wanted sa Region 2, matapos ang shootout sa Barangay Bliss Village sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City Police, nasugatan makaraang tamaan ng shrapnel sina Ilagan Mayor Josemarie Diaz; at PO1 Elison Guillermo, matapos na maghagis ng granada si Honey Hidalgo, 36, binata, ng Bgy. Bliss sa siyudad na ito.

Aarestuhin sana si Hidalgo dahil sa kaso ng ilegal na droga, pero sa halip na sumuko ay dalawang beses itong naghagis ng granada, na ikinasugat nina Diaz at Guillermo.

Nasa lugar ang alkalde upang tumulong sa pakikipagnegosasyon kay Hidalgo; hinimok na sumuko na lang ang huli dahil armado ito ng mga granada.

Nabaril naman ng mga pulis ang suspek, na ikinamatay nito.

Samantala, tiniyak naman ni Bringas na nananatiling tahimik ang siyudad, na pagdarausan ng isang sports event sa susunod na linggo. (Liezle Basa Iñigo)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Re:Mutton Pies (lleechef)


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.