Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

4 na miyembro ng gun-for-hire, patay sa engkuwentro

$
0
0

Apat na pinaghihinalaang miyembro ng “Pladoso” gun-for-hire syndicate ang bumulagta makaraang makipagbarilan sa pulisya sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni QC Hall Detachment commander Supt. Rolando Lorenzo, dakong 3:00 ng umaga nang mangyari ang barilan ng mga suspek at mga pulis sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Nabatid sa imbestigasyon ng Quezon Police District District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na natunugan ng mga intelligence operative na kinontrata ang apat para itumba ang isang negosyante sa isang restaurant sa lugar, sa halagang P5,000.

Agad na nagtalaga ng mga tauhan ang QCPD-CIDU sa lugar matapos magpositibo ang kanilang surveillance mission.

At nang maispatan ng mga suspek ang QCPD agents, pinaputukan ang mga ito na naging dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng apat .

Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang .45 caliber pistol, dalawang .9mm pistol, at mga basyo ng bala.

Napag-alaman din ng mga imbestigador na karaniwang nagsasagawa ng operasyon ang Pladoso gun-for-hire group sa Nueva Ecija at Northern Luzon. – Jun Fabon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear