Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Vice Ganda, imposibleng tanggalin sa ‘It’s Showtime’

$
0
0

Vice copy copy

MARIING itinanggi ng nakausap naming staff ng It’s Showtime na aalisin na sa noontime show ng ABS-CBN ang pambato nilang si Vice Ganda.

“Imposibleng mangyari ‘yan dahil si Vice ang pinaka-star ng show. Kaya nabuo ‘yan dahil sa kanya. Kung aalisin siya, tiyak na isang malaking reformat ang mangyayari,” iritadong paliwanag ng source na nakiusap pa na huwag namin siyang pangalanan.

Aware sila sa kumalat na intriga, pero ipinagdiinan ng staff na hindi raw mangyayari ‘yun.

“If I know, pakulo ‘yan ng kalaban o kung hindi man ng mga taong galit kay Vice dahil sa naging pahayag niya sa isyu ni Pacquiao,” banggit pa ng source.

Diretsahan pang sabi sa amin, hindi nakakaapekto ang naturang isyu sa ratings ng It’s Showtime dahil patuloy pa ring mas tinatangkilik sila ngayon ng televiewers.

Samantala, isa sa mga pararangalan sa 47th Box office Entertainment Awards bilang Phenomenal Stars si Vice Ganda kasama ang kapamilya ring sina Coco Martin, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. (JIMI ESCALA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.