Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Paulina Sotto at Jed Llanes, engaged na

$
0
0

Vic Paulina Jed Angela copy

ISA pang kasalan sa mga Sotto! Yes, ang anak ni Vic Sotto na si Paulina Luz (24) kay Angela Luz ay engaged na sa boyfriend niyang si Jed Llanes (25). Naganap ang kanilang engagement nitong nakaraang Huwebes, February 25. 

Nag-post si Paulina sa kanyang Instagram (IG) account ng picture ng engagement ring na may caption na: “Before I met Jed, I really thought this wasn’t going to happen for me. I love you babe and I can’t wait to marry you. #YES. “

Nag-post din ang mommy niyang si Paula Luz sa IG nito ng nagpapasalamat kay Jed. Suportado rin ng mga Sotto ang engagement.

Last year, Paulina graduated cum laude sa Bachelor of Arts major in Communications sa Ateneo de Manila University.

Isa rin siyang artist, at katatapos lamang niyang magkaroon ng art exhibit. Si Jed naman ay Harvard University graduate na kumukuha naman ngayon ng Master’s Degree sa naturang school pa rin.

Wala pang detalye kung kailan ang kasal nina Paulina at Jed. Susunod kaya sila sa tradisyon nating mga Pilipino na bawal ang sukob sa taon ng kasal? Katatapos lamang ikasal nina Vic at Pauleen Luna last January 30.

Kapag ikinasal na si Paulina, ibig sabihin, isa na lamang ang anak ni Vic na single, si Vico, ang anak niya kay Coney Reyes, at kumakandidato ngayon para konsehal sa Pasig City. 

Parehong happily married na sina Danica kay Marc Pingris at si Oyo kay Kristine Hermosa. (NORA CALDERON)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tropa Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


INUMAN QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.