Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Holdaper, muntik saksakin ang pulis, binoga

$
0
0

Napigilan ang masamang binabalak ng isang pinaghihinalaang kawatan matapos siyang barilin ng isang pulis na tinangka niyang saksakin nitong Sabado ng gabi, sa Pasay City.

Kinilala ni SPO4 Allan Valdez ang suspek na si Lorenzo Macario, 47, umano’y miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang, at taga-M. De La Cruz Street, Barangay 130.

Nabunyag sa inisyal na imbestigasyon na dakong 7:10 ng gabi at katatapos lang ng duty ni PO1 Julius Cesar Oana, ng Arnaiz Police Community Precinct (PCP-3), at naglalakad pauwi nang makita niya si Macario sa harap ng Ablaza Pawnshop sa Arnaiz Street. Napansin ng pulis ang kahina-hinala at matulis na bagay sa beywang ng suspek.

Nilapitan ni Oana si Macario at nagpakilalang pulis ngunit agad bumunot ng ice pick ang suspek at tinangkang saksakin ang pulis, ayon sa ulat.

Nakailag si Oana ngunit nagpatuloy sa pag-atake si Macario kaya binaril ng pulis sa paa ang suspek. – Martin A. Sadongdong


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE