Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Dingdong, guest sa 6th anniversary special ng ‘Tonight With Arnold Clavio’

$
0
0

NGAYONG Marso, ipinagdiriwang ng Tonight With Arnold Clavio (TWAC) ang ikaanim na taong paghahatid ng kuwentuhang masaya, makabuluhan, at puno ng tugtugan at tawanan. Espesyal ang anniversary episode ng TWAC ngayong Marso 2 at 9 dahil makakasama ni Igan Arnold Clavio ang first time daddy at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
 
Ilang taon na rin ang lumipas mula nang huling bumisita si Dingdong sa programa, kaya napakarami niyang baong kuwento ngayon na tiyak na kagigiliwan ng kanyang fans.

Una na ang eksklusibong munting ‘interview’ ni Igan sa unica hija nina Dingdong at asawang si Marian Rivera — ang napaka-cute na si Baby Letizia. Kahit ilang buwan pa lamang si Baby Zia, aba’y tila nangungusap nang sorpresang mag-phone patch ang mag-ina sa programa. Sa pag-uusap nina Marian at Igan sa telepono, ibubuko ni Marian kung gaano nga ba kabait bilang asawa at ama si Dingdong.
 
Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na nagsimula bilang dancer si Dingdong sa grupong Abztract. Pero mahilig din pala siya sa rakrakan at napakagaling tumugtog. Kaya hindi palalampasin ni Igan ang pagkakataong maka-jamming si Dingdong — hindi lang sa sayawan kundi pati sa tugtugan.

At sa “Nasubukan Mo Na Ba?”, mabubuko ang ilang mga hindi pa nalalamang kuwento tungkol kay Dingdong na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood.
 
Sama na sa masayang interview kay Dingdong sa two-part anniversary episode ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Marso 2 at 9, 10:15 PM sa GMA News TV.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.