Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Casino, sasakupin ng Anti-Money Laundering Act

$
0
0

Kailangan na manawagang muli ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa mga pagbabago sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) ng bansa kung mayroong mga kahinaan ang batas.

Ito ang ipinahayag ni Coloma matapos ang balita kamakailan na isang banyagang grupo ang nagtago ng $100 million pondo sa Pilipinas na ipinasok sa pamamagitan ng mga domestic bank, ibenenta ang mga mga ito sa black market foreign exchange broker, inilipat sa tatlong malalaking casino, at muling ibinenta sa money broker bago inilipat sa mga bank account sa ibang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na ang AMLC “is expected to act decisively on possible violations of the Anti-Money Laundering Act of 2001 (AMLA) that are detrimental to the country.”

Noong Enero 24, 2012, itinaas ng inter-government Financial Action Task Force’s (FATF) ang posisyon ng bansa sa listahan nito mula black sa gray kasunod ng pagpasa ng Republic Act No. 10167 o ang pagpapalakas sa Anti-Money Laundering Law at Republic Act. No. 10168, na ginagawang krimen ang terrorism financing.

Gayunman, nananatili sa watch list ang Pilipinas dahil hindi pa rin sakop ng AMLA ang mga transaksiyon sa casino, na ayon sa FATF ay isa pa ring panganib sa money laundering. (PNA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384