Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Nagdamot ng P5, sinaksak ng fish ball stick ng kalaro

$
0
0

Isang 10 taong gulang na lalaki ang nasugatan makaraang saksakin ng fish ball stick ng kanyang kalarong 10-anyos na babae matapos siyang tumangging ibigay dito ang hawak niyang P5, sa Binondo, Maynila, nitong Linggo ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Justice Jose Abad Santos Hospital si Norben Daka, out-of-school, residente ng Gate 10 sa Parola Compound, Tondo, makaraang saksakin sa likod ng kalaro niyang babae gamit ang fish ball stick.

Sa report ni Supt. Juan Macapaz, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 1:00 ng hapon nang nangyari ang insidente sa Plaza San Lorenzo Ruiz malapit sa Reina Regente Street sa Binondo.

Naglalaro umano ang dalawa nang makita ng suspek na may hawak na P5 si Daka, kaya tinangka itong agawin ng suspek.

Hindi binitwan ng biktima ang barya kaya kumuha ng fish ball stick ang batang babae at sinaksak ang biktima saka tumakbo palayo. (Mary Ann Santiago)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.