Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Napa, lilipat sa Letran Knights

$
0
0

napa copy

Inaasahang ipakikilala ng Letran Knights ngayon ang napiling bagong coach para sa kanilang kampanya sa NCAA men’s basketball tournament.

Isasagawa ang media conference ngayong tanghali. Sa kabila ng walang impormasyon na ibinigay ang imbitasyon ng eskwelahan sa media, matagal nang bulung-bulungan si National University junior basketball coach Jeff Napa ang bagong hahawak sa Knights.

Matagumpay na napangasiwaan ni Napa ang Bullpups sa katatapos na UAAP junior finals laban sa La Salle-Zobel. Ito ang ikatlong titulo ng NU, sa pangangasiwa ni Napa, sa nakalipas na limang season.

Nauna namang inamin ni Napa na nakikipag-usap siya sa Letran management matapos ialok ang posisyon.

Dating miyembro ng NU Bulldogs si Napa at inaasahang tugma ang kanyang istilo sa Knights na iniwan ni Aldin Ayo matapos tanggapin ang alok na maging coach ng La Salle sa UAAP.

Sasabak ang Knights sa pagbubukas ng Season 91 na wala ang top players na sina Mark Cruz at Kevin Racal.

Samantala, ayon sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin ngunit tumangging pangalanan, ibinigay kay NU assistant coach Chico Manabat ang basketball program ng Bullpups.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Re:Mutton Pies (lleechef)


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.