Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Mag-live in, niratrat; mister, patay

$
0
0

Tinambangan ng hindi kilalang suspek ang isang mag-live in partner na nagresulta sa pagkamatay ng mister at pagkasugat naman ng kanyang kinakasama sa Malate, Maynila, nitong Lunes ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Maynila si Rico Delos Reyes, 48, ng 1129 Champaca Street, Malate, Manila dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan habang ginagamot pa rin sa nabanggit na pagamutan ang kinakasama niyang si Madel Reateza, 26, dahil sa tama ng bala sa paa, binti at balikat.

Sinabi ni SPO3 Charles Duran, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na pasado 11:02 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng bahay ng mga biktima.

Nanonood ng telebisyon si Delos Reyes, kasama ang kanilang mga anak, nang mapansin niya ang suspek na nakatayo sa harap ng kanilang bahay.

Lumabas ng bahay ang biktima para tanungin kung ano ang kailangan ng suspek, ngunit sa halip na sumagot ay bumunot ito ng baril at pinagbabaril si Reyes.

Kaagad namang lumabas ng bahay si Reateza upang tingnan ang nangyari ngunit maging siya ay pinaputukan din ng suspek bago ito tumakas.

Isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit nasawi rin si Reyes. (Mary Ann Santiago) 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.