Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Maine, balik-trabaho na matapos isugod sa ospital

$
0
0

NAGKAGULO ang AlDub Nation nitong Martes, March 8, nang hindi nakapagkalyeserye si Maine Mendoza.

Dumaing ng matinding sakit sa tagiliran si Maine at maging si Alden Richards na nasa studio ay nag-worry nang makita siyang hirap lumakad papunta sa naghihintay na ambulansiya (lagi silang mayroon nito kapag may sugod-bahay). 

May mga nag-isip na baka raw may dysmenorrhea si Maine na once a month ay dinaranas niya, pero hindi raw, may nagsabi namang baka appendicitis.

May bashers ba namang nag-post na nasa loob ng kabaong si Maine na may nakalagay pang comment na: “Paalam Maine, sana totoo na ito.” Sa sugod-bahay kasi, gumagawa ng kabaong ang contestant at si Maine pa ang unang nagsabi kung puwedeng masubukang humiga sa kabaong. Humiga rin naman ang JoWaPao, all for clean fun.

Sa Biñan, Laguna ang sugod-bahay kaya sa University of Perpetual Help Medical Center unang dinala si Maine. Madaling nag-update ang Eat Bulaga: “Maine had a lower left abdominal pain. She already underwent series of blood and other laboratory examinations. Currently, they are waiting for the results for further medical intervention. Thank you. 

Let’s pray for our girl.”

Ang final update nila noong Martes ng hapon: “Na-check-up na po ng mga doctors si Dabarkads Maine. Nag-complain lang siya ng pain sa tagiliran, kanina pero ok na po siya ngayon. No worries, dabarkads. Thank you po sa mga doctors and nurses ng University of Perpetual Help Medical Center at St. Luke’s Medical Center – Global City.”

Inilipat si Maine sa St. Luke’s para doon tapusin ang check-up sa kanya dahil dumarami ang mga tao sa Perpetual Help Medical Center.

The show must go on naman kay Alden at kahit worried dahil hindi pa alam kung ano ang nangyari kay Maine, nag-request na lamang siya ng updates sa mga lola sa kalyeserye. Hindi na rin siya puwedeng dumaan sa hospital dahil after ng Eat Bulaga, dumiretso na siya sa NAIA for a 5:30 PM flight to Dubai.

Eleven thirty PM, Dubai time, March 8, dumating doon si Alden at tumawag siya agad kay Maine. Na-relieve at masaya na siya nang malaman niyang maayos na ang ‘better-half’ kaya iyon din ang isinagot niya sa interview sa kanya ng Tag91.1 radio station doon nang kumustahin sa kanya ang kanyang ka-love team.

At si Maine, nagpaka-professional din, kahit binilinan ng doctor na magpahinga muna, nag-report pa rin siya kahapon sa Eat Bulaga at sa kalyeserye dahil alam na wala nga ang kanyang ‘better half’ sa show Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagdasal para sa mabilis niyang paggaling.

Ngayong araw ang 34th weeksary nina Alden at Maine at mayroon pa rin kayang sorpresa si Alden kay Maine kahit nasa Dubai siya? Mamayang gabi naman ang concert nina Alden, Aicelle Santos at Betong Sumaya, kaya bukas pa ang balik nila sa Pilipinas. Sa Sabado pa sila muli magkikita sa Eat Bulaga, mayroon kayang magandang mangyayari sa show after ng tatlong araw na hindi sila pagkikita? (NORA CALDERON)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Re:Mutton Pies (lleechef)


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.