Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Nambasag ng car windshield, dinedo

$
0
0

Patay ang isang binata nang pagbabarilin ng isang grupo na nag-alburoto sa galit nang basagin niya ang windshield ng kanilang sasakyan sa Quiapo, Manila, nitong Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Salic Maruhom, alyas Bal, residente ng 317 Farnacio Street, Quiapo sa Maynila, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Arestado naman sa isang follow-up operation ang isa sa mga suspek na nakilala sa alyas na “Ken,” 17, ng Castillejos Street, Quiapo.

Samantala, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek na kinilala sa mga alyas na “Chris” at “Nognog”.
Bukod sa tatlong suspek, nakatakas pa 10 nilang kasamahan matapos isagawa ang insidente.

Batay sa report ni Det. Dennis Turla, dakong 1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa harapan ng bahay ni Ken.

Batay sa kuha ng CCTV camera ng Barangay 385, ipinarada ni Chris ang kanyang Optra Chevrolet (ZEW-782) sa nasabing lugar nang biglang lumapit sa sasakyan si Bal at binasag ang windshield ng sasakyan gamit ang isang malaking bato.

Agad pinuntahan ni Chris ang mga kagrupo at sinugod si Bal para kumprontahin hanggang sa tuluyang nauwi sa pamamaslang. (Mary Ann Santiago)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.