Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Truck vs delivery van: 3 naputulan ng ulo

$
0
0

Pitong katao ang nasawi, kabilang ang tatlong naputulan ng ulo, makaraang magkasalpukan ang isang dump truck at isang delivery van ng isda sa Sitio Pagan Grande sa Tamugan, Marilog District, Davao City, kamakalawa ng umaga.

Sinabi sa ulat ng Davao City Police Office (DCPO) na tatlo sa pitong napatay ang naputulan ng ulo dahil sa lakas ng banggaan na nangyari dakong 11:00 ng umaga.

Ayon kay SPO4 Julius Garcia, ng Marilog Police, dead on the spot ang mga biktima at anim ang kinilalang sina Lajabangsa Saipudon, Abdurahim Ljara, Tata Ljara, Sarang Alkarim Sali, Benjamin Villarojo Loculan Jr., at Danilo Calanza, tubong Basilan.

Sinabi ni Garcia na lumabas sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng delivery van ng isda nang mangyari ang insidente.

Malaki ang hinala ng pulisya na posible umanong nakatulog ang driver ng van kaya hindi nito napansin nang lumihis ang kanyang sasakyan sa kabilang lane hanggang sa masalpok nito ang pasalubong na dump truck. – Fer Taboy


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.