Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

PRACTICAL UNBELIEVERS BA TAYO?

$
0
0

MAY isang college student na pinag-aaralan ang mga likha ng 19th century German thinker na si Friedrich Nietzche, na kilala sa kanyang litanyang “God is dead,” na isinulat sa isang palikuran ng eskuwelahan at ito ay kanyang nilagdaan ng Nietzche.

Mayamaya pa’y mag nagsulats ding estudyante at sinagot ang sinabi ni Nietzche na: “Nietzche is dead”–signed, God.
Ang lahat ng nagsabing “God is dead,” katulad ni Nietzche, ay namatay ngunit ang Panginoong Diyos ay nananatiling buhay.

Ngayong ikalawang Linggo makalipas ang Pasko ng Pagkabuhay, ay nakararanas tayo ng mga hindi naniniwala at nananalig katulad ni Thomas, isa sa mga apostol ni Hesus.

“Unless I see the scars of the nails in his hands and put my fingrer on those scars and my hand in his side, I will not believe” (Jn 20,24).

Natupad ang kahilingan ni Thomas makalipas ang isang linggo nang muling magpakita ang Panginoong muling nabuhay.

Tinawag siya ni Hesus at sinabing, “Put your finger here, and look at my hands. Touch and feel my side. Cease to doubt, but believe!” (Jn 20,27).

Sa pagkompronta sa tunay na pagkatao, hindi na kailangan pang hawakan ni Thomas, upang maramdaman ang nararamdaman ni Kristo. Sa halip ay lumuhod ito sa kanyang harapan at umiyak: “You are my Lord and my God.” Doon na nalaman ni Hesus na si Thomas ay hindi na nag-aalinlangan at sinabing: “You believe because you have proof.”

Ngunit tinukoy ni Hesus ang kanyang mga kaibigan na wala roon at sinabing: “Blessed are they who have not seen, and yet have believed” (Jn 20,29). Tayo, na hindi nakakita kay Hesus ng harap-harapan ngunit naniniwala sa kanya, ay kabilang sa “happy” company.

Sinasabi natin na naniniwala tayo sa Diyos ngunit hindi ba’t may mga panahon na hindi tayo naniniwala hanggat walang ebidensiya?

Ibig sabihin, ang ating pananalig at paniniwala ay hindi palaging nananaig sa lahat ng oras.

Sinasabi natin, halimbawa, na tayo lang ang Christian country sa buong Asya, ngunit ang pagnanakaw at pandarambong ay nananatili sa ating bansa. Laganap ang panunuhol at milyun-milyong pera na nagmula sa maruming paraan. Nagbibiro ang ilan na may tatlong paraan ng panunuhol –under the table, over the table, including the table.
(Fr. Bel San Luis, SVD)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


EASY COME, EASY GO


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Presence Quotes – Positive Quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!