Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Warehouse ng mga pekeng produkto, ni-raid; Korean, arestado

$
0
0

Sinalakay ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang bodega ng iba’t ibang branded na pekeng produkto, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa isang Korean, na nakialam sa operasyon ng mga pulis sa Navotas City.

Ayon kay NPD Director Chief Supt. Eric S. Reyes, kinasuhan ng obstruction of justice si Fengfu Xu.

Sinabi ni Reyes na nag-apply sila ng warrant of arrest kay Judge Zaldy Docena, ng Malabon City Regional Trial Court, upang salakayin ang bodega na ino-operate ng isang Mike Jinsun sa No. 45-B Bernardo Street, San Rafael Village, Navotas City.

Kasama ang kinatawan ng Dickies American Star at Tribal Philippines, sinalakay ng operatiba ng DSOU ang bodega.

Habang ipinakikita ng mga pulis ang search warrant sa mga security guard ng bodega, ikinandado ni Xu ang dadaanan ng mga pulis kaya dinakip ito.

Inaalam na ni Reyes kung kanino nakapangalan ang naturang mga produkto at ang mga nangangasiwa sa bodega na kakasuhan sa paglabag sa RA 7394 (Consumer Act of the Philippines), habang bineberipika ang katauhan ni Xu.
(Orly L. Barcala)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Girasoles para colorear


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE