Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Alden, proud na napagtapos na niya ang kapatid

$
0
0

Alden at Riza copy

PICTURE of a proud kuya at teary-eyed si Alden Richards habang pinapalakpakan ang kapatid na si Riza Mary Cristine Faulkerson sa graduation rites nito sa Letran, Calamba in Laguna noong Tuesday, April 5. 

Nagtapos si Riza ng Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Development Management.

Bukod sa acting trophies na natatanggap ni Alden, ito ang pinakamahalagang trophy na natanggap niya sa pagpapatapos niya sa nakababatang kapatid. Sabi nga, education is a treasure na hindi maaagaw sa pina-aral mo.

Binigyan ni Alden ng panahon ang special day na iyon ni Riza at mula sa Eat Bulaga, magkasama silang dumalo ng kanilang amang si Richard Faulkerson, Sr. na nag-post sa Instagram (IG) account nito ng, “Siya po ang may kasalanan kung bakit nakapagtapos si Riza! Mabuhay ka, ‘nak.” 

Touching din ang isa pa niyang post na, “Rio… para sa ‘yo” na may drawing ng finger na nakaturo sa sky. Ang tinutukoy na Rio (Rosario) ay ang namayapang ina nina Alden at Riza na naging inspirasyon ni Alden sa kanyang pag-aartista at pagtulong sa kanyang pamilya.

Pagkatapos makitang tumanggap ng diploma si Riza, umalis na rin si Alden para hindi niya maagawan ng moment si Riza at nagkita-kita na lamang silang buong magpapamilya for a celebration, saka siya tumuloy sa shoot ng bagong endorsement niya.

Tuluy-tuloy na rin si Alden sa paglalagay ng kinikita niya sa investment. Sa April 29 na ang opening ng kanyang Concha’s Garden Cafe sa Cliff House sa Tagaytay. At sabi’y may share din siya sa Concha’s Garden sa Sta. Rosa, Laguna na pag-aari ni Gemma Sembrano, sister-in-law ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo at pareho silang taga-Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa handler ni Alden, inilipat na ng producer ng ALDENvasion concert sa June, 2016 ang naunang schedule nito (April 15) sa Pampanga, dahil kapos na raw sa oras para mai-promote ito. Magiging busy na kasi sina Alden at Maine Mendoza sa shooting ng kanilang first movie nila na sila mismo ang mga bida na naka-schedule sa mismong April 15. 

Ito ang tinutukoy nina Alden at Maine na regalo nila sa kanilang fans here and abroad. Wala pa kaming detalye kung ano ang concept ng movie na ididirek ni Mike Tuviera under ng APT Entertainment, Inc. (NORA CALDERON)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Pokemon para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


EASY COME, EASY GO


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!