Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

‘Poor Señorita’ ni Regine, stress reliever ng televiewers

$
0
0

Regine copy copy

KINAAALIWAN ang mga eksena ni Regine Velasquez sa Poor Señorita kasama ang tinawatag na “mga batang yagit” na kinabibilangan nina Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice at Jillian Ward. Kasama rin sa grupo si Ayra Mariano na kahit baguhan, nakakasabay sa tropa.

Tuwang-tuwa si Regine sa feedback ng netizens sa Poor Señorita gaya ng effortless siyang umarte, bagay siya sa comedy, at natural ang pagpapatawa niya. Ang pinakagusto niyang feedback ay ang sinasabing stress reliever sa televiewers ang kanyang rom-com series.

Kaya kahit nami-miss ni Regine ang mag-ama niyang sina Ogie Alcasid at Nate tuwing may taping siya, napupunan ang pagka-miss niya sa asawa at anak ‘pag nababasa ang positive reviews.

Kaya deadma na si Regine sa mangilan-ngilan niyang basher, pero tama rin ito na kung minsan, sinasagot ang mga ito.

“Kapag tinatamaan ako ng konti, sinasagot ko. Hindi naman ako nakikipag-away. Most of the time also, ‘pag bina-bash nila ako, mali ang information. So kino-correct ko lang ang information. And then, I also try to encourage them to use their voices to make people happy. To encourage people. Kasi mas maganda naman yun kesa ‘yung you’re just out there typing bad things. Mas maganda ‘yung nakakapagpaligaya ka ng iba. Nakaka-inspire ka ng kapwa,” pahayag ni Regine.

Samantala, magsisimula this Sunday ang The Regine Series Nationwide Tour ng PLDT sa SM Bacoor sa Cavite. Magkakaroon ng Regine Sing-Alike contest at iba pang pa-contest at ang mag-a-avail ng The Regine Series phone ay may-chance na manalo ng VIP seat sa event. (Nitz Miralles)  


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


EASY COME, EASY GO


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Tropa Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Gatos para colorear


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear