Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Gawa 7:51—:1a ● Slm 31 ● Jn 6:30-35

$
0
0

Sinabi ng mga tao kay Jesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa’yo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.’ ”

Kaya sinabi sa kanila ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbigay sa inyo ng tunay na tinapay na mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo”.

PAGSASADIWA:

Ako ang tinapay ng buhay.—Sa pag-uusap na ito ni Jesus at ng mga Judio, malinaw na hindi naunawaan ng mga Judio ang milagro ng pagpaparami ng tinapay at isda sapagkat para sa kanila, hindi ito mula sa Diyos. Sa isip nila, kung si Jesus nga ang Mesiyas, dapat na bigyan niya rin sila ng manna tulad ni Moises.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384