Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Red Lions, magsasanay sa Las Vegas

$
0
0

Tutulak patungong US ang San Beda College sa Abril 24 para magsanay at lumahok sa pocket tournament bilang preparasyon sa darating na NCAA Season 92.

Naghahangad na mabawi ang titulo na naagaw sa kanila ng kanilang archrival Letran noong isang taon, magsasanay ang Red Lions sa Las Vegas Impact Basketball Program sa ilalim ng tanyag na trainer na si Joe Abumassar.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon ng Red Lions na magsasanay sa Las Vegas sa nakalipas na limang taon.

Inaasahang pagkatapos ng training sa Las Vegas malalaman na ang final composition ng team na isasabak sa NCAA.

Kabilang sa mga bagong miyembro na kasama sa Las Vegas sina Robert Bolick, Arnaud Noah, ang Fil- Am na si Davon Potts, William Navarro at Joe Presbitero.

Sila ang mga bagong mukhang babantayan at inaasahang makakabalikat ng mga beteranong sina Donald Tankoua, team skipper Dan Sara, Jeramer Cabanag at Jayvee Mocon sa misyong pagbawi ng korona sa men’s basketball sa NCAA.
(Marivic Awitan)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!