Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Carla at Tom, special feature sa unang anibersaryo ng ‘Karelasyon’

$
0
0

KAKAIBANG istorya ang inihanda para sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Karelasyon, ang weekly drama anthology ng GMA Public Affairs, na pagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Si Carla ang host ng Karelasyon na nagtatampok ng kuwento ng mga magkarelasyon na humarap sa iba’t ibang pagsubok.

Ngunit sa unang pagkakataon simula nang iere ito, si Carla ang gaganap kasama ang kanyang paboritong leading man.

Ang kanilang anniversary special ay may titulong “Live-in” at gaganap sila bilang sina Dennis at Miriam.

Hindi naitago ni Carla ang kanyang excitement sa kanilang anniversary episode.

“This is quite different from what the viewers have been seeing in the show. As the host, they only see me when I’m recounting the events of each featured story. I am happy that for our anniversary episode, I get to act as well,” masayang pahayag ni Carla.

Sa istorya ng “Live-in”, pitong taon nang magkarelasyon sina Dennis at Miriam. Ngunit kahit nagsasama na sa iisang bubong, hindi pa sila ikinakasal. At kahit matagal na ang kanilang relasyon, marami pa ring pagsubok na dumarating sa kanila.

Alamin kung maipaglalaban nila ang kanilang relasyon sa kabila ng mabibigat na pagsubok na dumarating sa kanilang pagsasama. Sa simbahan pa rin ba ang kanilang tuloy o bibitiw na sila sa isa’t isa?

Mapapanood ang special episode ng Karelasyon sa Abril 30, Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.