Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

‘I love you’ ni Liza kay Enrique, pumalo sa 35% rating at 2M tweets

$
0
0

Serena says I love you to Tenten 2 copy

HINDI na napigilan ni Serena (Liza Soberano) ang kanyang nararamdaman kay Tenten (Enrique Gil) at tuluyan na nitong inamin ang kanyang tunay na damdamin sa Dolce Amore, ang number one kiligserye ng bayan.
 
“I fell in love with the most amazing person na nakilala ko sa buong buhay ko. I fell in love with my friend from Tondo. Mahal kita, Simon. I love you,” sambit ni Serena kay Tenten sa harap nina Luciana at Roberto (Cherie Gil at Ruben Maria Soriquez), pati na ang best friend niyang si Giancarlo (Matteo Guidicelli).

Ikinagulat ng lahat ang pag-amin ni Serena kaya’t nauwi ito sa mainitang sagutan ng mag-ina. Nagawa pang sampalin ni Luciana ang dalaga dahil sa sobrang galit.
 
Inabangan ng buong bansa ang matamis na “I love you” ni Serena kaya pumalo sa national TV rating na 35% ang Dolce Amore, 20 puntos ang lamang sa kalabang programa na That’s My Amboy na nakakuha lang ng 15%, ayon sa survey data ng Kantar Media.
 
Umabot din sa mahigit dalawang milyong post sa Twitter ang nairehistro ng official hashtag ng episode na #DolceAmoreILoveYou mula sa netizens na kinilig sa pag-amin ni Serena, pati na ang matinding confrontation scene nina Serena at Luciana.
 
Samantala, makakasama na ang loyal fans ng programa o ‘Amores’ ang sweet journey nina Serena at Tenten sa paglulunsad ng programa ng “Dolce Amore Soundtrip” ng official website nitong dolceamore.ph.
 
Dito masisilip ang teasers, ekslusibong behind-the-scenes photos at videos mula sa programa, pati na ang nakakatuwang “Dolcenary,” na magtuturo ng Italian words.
 
Masusundan din dito ang adventures nina Serena at Tenten sa pamamagitan ng status updates at playlists ng mga karakter.
 
Marami pang ibang sorpresang handog ang site, kabilang na ang “The Amores; The Sweetest Adventure” promo na maaaring magwagi ng dalawang round trip tickets papuntang Italy ang masuwerteng ‘Amore.’ Para sa kumpletong detalye at mechanics, pumunta lang sa dolceamore.ph.
 
Panoorin ang number one kiligserye mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman sa updates, sundan ang @realdolceamore sa Twitter at Instagram.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.