Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

La Salle, umusad sa UAAP football

$
0
0

Mga laro ngayon
(Moro Lorenzo Field)
9 n.u – AdU vs UE
2 n.h. — UP vs FEU
4 n.h. — DLSU vs UST

Sinamahan ng De La Salle ang naunang semifinalist University of the Philippines matapos maitala ang 2-0 panalo kontra sa sibak ng Adamson University sa Season 78 men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Naitala ni Greggy Yang ang kanyang ikawalong goal ngayong season sa ika-43 minuto, habang umiskor si Jed Diamante sa ika-86 minuto para makausad ang Green Archers sa second place taglay ang 26 puntos, kasunod ng Fighting Maroons na may 27- puntos.

Sa iba pang mga laro, tinalo ng University of Santo Tomas ang University of the East, 3-0, upang tumabla sa Ateneo, na nakapuwersa naman ng 3-3 draw kontra National University sa ikatlong puwesto taglay ang tig-25 puntos.

Naiwan ng defending champion Far Eastern University na kinakailangang magwagi kontra UP sa huling laro nila sa eliminations para makatuntong ng Final Four

Sa kasalukuyan, nasa ikalimang puwesto taglay ang natipong 24 na puntos ang Tamaraws.

Umiskor para sa Tigers sina Ronald Batisla-Ong at Christian Valderama. Naitabla naman ni rookie Jarvey Gayoso ang laban para sa Blue Eagles sa stoppage time.

Dahil sa kanyang goal, pumatas si Gayoso kay Bulldogs skipper Paolo Salenga para sa tournament most number of goal makaraang maitala ang ika-11 goal. (Marivic Awitan)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.