Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Ama na gumahasa sa 2 anak, arestado

$
0
0

Sa edad na 13, naiwan si Bella (hindi tunay na pangalan) at ang nakatatanda niyang kapatid na babae sa pangangalaga ng kanilang ama matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang. Isang gabi, habang himbing siyang natutulog ay dumating ang kanyang ama, lasing na lasing, at hinalay siya nito.

Nitong Abril 17 lamang nangyari ang insidente, sa pagitan ng 9:00-10:00 ng gabi, sa bahay ng mag-aama sa Barangay Lawa sa Meycauayan City, Bulacan, ayon sa ulat ni Supt. Lailene Amparo, officer-in-charge ng Meycauayan City Police.

Naaresto si Rolando Cagulada De Vera, 40, matapos na iulat ng biktima, kasama ang kanyang ina, ang insidente sa mga opisyal ng barangay at sa pulisya.

Sa imbestigasyon, nabatid na dalawang beses nang ginahasa ng suspek ang dalagita. Ang unang beses ay nangyari noong Marso 24, 2016, dakong 11:00 ng gabi.

At sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat, umamin ang kapatid ni Bella na siya man ay minolestiya at ilang beses na hinalay ng ama simula noong nasa Grade 3 pa lang siya. Ang huling panggagahasa ay nangyari noong Pebrero 29, 2016, sa loob ng kanilang bahay. (Franco G. Regala)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.