Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Landlord, tinarakan ng nangungupahan

$
0
0

Tinadtad ng saksak hanggang sa napatay ng isang boarder ang kanyang landlord matapos umanong mainsulto sa paninita ng huli sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Parañaque City, nitong Lunes ng hapon.

Patay na nang idating sa Ospital ng Parañaque si Wilfredo Precilla, 59, ng 8995 San Felipe Street, San Antonio Valley 2, Barangay San Isidro, dahil sa tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Patuloy ang manhunt operation ng awtoridad laban sa suspek na si Jose Custorio, 35 anyos.

Sa ulat na tinanggap ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, dakong 5:00 ng hapon at nag-iinuman ang suspek at kanyang boardmate na si Melvin Muhana sa loob ng inuupahang kuwarto nang dumating ang kanilang landlord na si Precilla.

Pinagsabihan umano ng biktima sina Muhana at Custorio na kung may bisita sila ay agad ipabatid ito sa kanya.

Dahil dito, nainsulto umano ang suspek at biglang sinapak si Muhana at tinangkang umawat ni Precilla.

Nagpasyang umalis si Custorio at pagbalik nito ay may bitbit ng kutsilyo at sinaksak nang ilang beses si Precilla.

Patungo sana sa barangay hall ang biktima para i-report ang insidente nang ito ay pagsasaksakin.

Tumakas ang suspek dala ang patalim habang naisugod sa ospital ang biktima ng kanyang kinakasamang si Asuncion Rodriguez, at doon ito nalagutan ng hininga. (Bella Gamotea)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.