Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

2 holdaper sa motorsiklo, patay sa shootout

$
0
0

Patay ang dalawang hindi nakilalang holdaper na magkaangkas sa motorsiklo matapos makipagbarilan sa awtoridad makaraang maispatan habang hinoholdap ang isang dalaga sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Patay ang dalawang suspek dahil sa tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, ayon sa pulisya.

Halos ma-trauma naman si Mary Jane Delos Reyes, 18, ng Agustine Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City matapos holdapin ng dalawang suspek. 

Sa ulat na tinanggap ni Las Piñas City Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo, dakong 1:30 ng umaga at nag-aabang ng masasakyan si Delos Reyes patungong Evacom nang sumulpot ang dalawang armadong suspek na sakay sa motorsiklo (2004-WJ), sa Tionquiao Street, Bgy. Manuyo 2.

Agad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang dalaga at sapilitang tinangay ang shoulder bag nito na naglalaman ng mga cell phone at P1,190 cash bago tumakas ang dalawa.

Tiyempong nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar at hinabol ng mga ito ang mga suspek.

Pinaputukan ng mga holdaper ang mga pulis kaya gumanti ang mga ito ng putok hanggang sa bumulagta sa kalsada ang dalawang suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang .38 caliber revolver at ang bag ng biktima. (Bella Gamotea)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.