Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Rodolfo S. Salandanan, 79

$
0
0

Sumakabilang-buhay ang mahusay na manunulat, peryodista, at dating editor ng Balita na si Rodolfo S. Salandanan nitong Abril 30, 2016. Siya ay 79 anyos.

Bago naging patnugot ng Balita sa loob ng maraming taon, ang aming si Tata Rod ay naging editor-in-chief ng Liwayway magazine. Sumulat din siya ng maraming nobela, kabilang ang naisapelikulang ‘Isusumbong Kita Sa Diyos’ noong 1988.

Pinasok din ni Tata Rod ang pulitika; naging bise alkalde siya ng kanyang bayan, ang Abucay sa Bataan. Nahalal din siya bilang board member ng lalawigan sa loob ng maraming taon.

Bilang peryodista, ilang beses siyang naging opisyal ng National Press Club. At kahit retirado na, isa si Tata Rod sa pinakamahuhusay na kolumnista ng Balita hanggang sa mga huling araw ng kanyang buhay.

Kasalukuyang nakalagak ang kanyang labi sa bahay ng kanyang pamilya sa Abucay, Bataan. Naulila ni Tata Rod ang kanyang asawa at tatlong anak.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384