Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

De-kalidad na health care, tiniyak ni Peña

$
0
0

Tiniyak ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr. ang pagbibigay ng mas de-kalidad na health care service sa mga residente ng siyudad matapos madiskubre sa nakaraang administrasyon ang nasayang na milyun-milyong piso na dapat inilaan sa pangangailangang medikal ng mga taga-lungsod.

Sa isang pag-aaral, ibinunyag ng leader ng “Bagong Makati” na naglaan ang administrasyon ng dinismis na si Mayor Junjun Binay ng P40 milyon noong 2010 hanggang Marso 2015 para sa health care services ng mga residente sa mga sister city ng Makati.

Isa sa mga unang direktiba ni Peña nang palitan si Binay noong Hulyo ay ang suspensiyon ng kasunduan sa sister cities, at ginawang ibimbin ang komprehensibong audit ng pamahalaang lungsod sa ibang local government units.

Ang Makati ang may pinakamaraming sister city na umaabot sa 670 sa buong bansa. Ang Quezon City, ang pinakamalaki at isa sa pinakamayayamang siyudad sa Pilipinas ay may 19 sister city, habang 10 naman ang sa Davao City.
(Bella Gamotea)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Re:Mutton Pies (lleechef)


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.