Sinabi ni Juan kay Jesus: “Guro, nakita namin ang isang ‘di natin kasama na nagpapalayas ng mga demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Jesus: “Huwag n’yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang ‘di natin kalaban.”
PAGSASADIWA:
Kakampi natin ang di natin kalaban.—Ang eksorsismo ay isa sa mga tampok na gawain ni Jesus at ng mga alagad. Sa ebanghelyo ni Marcos 3:14-15 at 6:7,13, ang kapangyarihan para palayasin ang mga demonyo ay naging espesyal na katangian ng ministeryo ng Labindalawa.