Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Sekyu nangmolestiya ng dalaga, kulong

$
0
0

Hindi naisakatuparan ng isang security guard ang maitim niyang balak sa dalagang kanyang natipuhan dahil sa malulusog nitong dibdib, makaraang makahulagpos ang biktima sa mahigpit na pagkakayapos ng suspek, upang humingi ng tulong sa awtoridad nitong Miyerkules ng umaga, sa Valenzuela City.

Sa panayam kay SPO2 Lorena Hernandez, Acts of Lasciviousness ang inihaing kaso laban kay Rizaldy Andion, 37, ng No. 38, Area 3, Matiyaga Street, Barangay Pinalagad, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng 19-anyos na biktima, dakong 7:00 ng umaga at papunta siya ng palengke para bumili ng ulam nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Andion.

Tinawag ng sekyu ang dalaga subalit hindi niya ito pinansin.

Laging gulat ng dalaga nang haltakin siya ni Andion at sapilitang ipinasok sa loob ng bahay nito, nilamas ang kanyang dibdib at niyakap siya nang mahigpit.

Nagpumiglas ang biktima hanggang sa makawala sa pagkakayapos ng lalaki at mabilis na nagtatakbo.

Isinumbong ng biktima sa kanyang tiyuhin ang pangyayari, at kaagad silang nagpunta sa barangay hall para agad na maaresto ng mga tanod si Andion.

Nabatid na matagal nang kursunada ng suspek ang dalaga. (Orly L. Barcala)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.