Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Sef Cadayona, dalawa ang bagong show sa Siyete

$
0
0

Sef copy

NAGUGULAT si Sef Cadayona dahil tuwing may nakakausap na press people, ang hindi na niya pagiging endorser ng Cornetto ang unang itinatanong. Nangyari ito sa presscon ng Laff, Camera, Action at ganoon din sa presscon ng A1 Ko Sa ‘Yo.

Masyado lang sigurong na-associate kay Sef ang nabanggit na produkto kaya kahit sina James Reid at Nadine Lustre na ang bagong endorser, hinahap-hanap pa rin siya.

“Nakakatuwa naman na bawat may makausap akong reporter, lagi akong natatanong tungkol sa Cornetto. Dahil siguro sa eight years din akong endorser at marami akong nagawang TVC. Pero hindi biglaan na napalitan ako, last year pa hindi na ako ang endorser. Sinabi nila sa akin na couple na ang gusto nilang endorsers at sina James at Nadine ‘yun.

Walang isyu roon,” sabi ni Sef.

Naniniwala si Sef na ‘pag may nawalang project ay may darating na kapalit dahil nangyari sa kanya ‘yun sa pamamagitan ng dalawang shows na magkasunod pang magpa-pilot.

Mauuna ang airing ng Laff, Camera, Action sa May 28 pagkatapos ng Wish Ko Lang na isa siya sa three judges kasama sina Gladys Guevarra at Direk Cesar Cosme.

Magpa-pilot naman sa June 2 ang sexy comedy show na A1 Ko Sa ‘Yo na ang challenge kay Sef ay hindi bading ang kanyang role.

“Nakakapanibago na hindi ako beki rito, pero masaya rin ako dahil ibang Sef naman ang mapapanood. Nahirapan din ako sa mga eksena ko with the girls dahil ngayon ko lang nakatrabaho sina Gee Canlas at Mara Alberto. Nagpapaalam muna ako sa kanila bago ko gawin ang eksena,” ayon kay Sef.

Excited si Sef sa mga eksena niya kay Jaclyn Jose dahil kahit nagkasama sila sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin, dito sa A1 Ko Sayo sila marami ang eksena. Ang role ni Sef ay photographer sa talent agency ni Jaclyn, kaya marami silang eksena na magkasama at nagbabatuhan pa ng lines.

“Kahit noong hindi pa nananalong best actress sa Cannes International Film Festival si Ms. Jaclyn, sa Mundo Mo’y Akinpa lang, nagagalingan na ako sa kanya. Dito, husay sa comedy naman ang mapapanood sa kanya,” pagtatapos ni Sef. 
(Nitz Miralles)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear