Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Estapador na technician, todas sa pamamaril

$
0
0

Tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng isang 42-anyos na technician sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasawi habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Victorino Dela Cruz, residente ng Aplaya Street, Tondo, dahil sa tama ng bala sa tiyan, sa kanang bahagi ng katawan, at sa braso.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 3:20 ng umaga sa isang eskinita sa Purok 6, Rodriguez, Balut, sa Tondo.

Lumilitaw sa impormasyong nakuha ng pulisya na posibleng may malaking atraso ang biktima sa suspek.

Sinasabing marami umanong nabiktima ng estafa ang suspek na nagpapagawa sa kanya ng mga nasirang gamit, ngunit iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.

“Sabi doon sa lugar nila, estapador daw. Marami na raw niloko dun sa kanila; hinihingan ng pera tapos hindi ginagawa ‘yung trabaho,” ayon kay Balinggan.

Tinitingnan rin ng awtoridad ang anggulo ng ilegal na droga matapos kumpirmahin ng kinakasama ng biktima na si Rossana Marquez na gumagamit ng ilegal na droga ang biktima. – Mary Ann Santiago


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


EASY COME, EASY GO


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes