Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Paputok, plastik, bawal sa Green Christmas ng Albay

$
0
0

LEGAZPI CITY – Muling itatanghal ng Albay sa susunod na buwan ang Karangahan Green Christmas Festival nito, at mahigpit na ipagbabawal ang paputok at paggamit ng plastic, kasabay ng kampanya nitong pangkapaligiran at zero casualty.

Ang Karangahan ay mula salitang Bicolano na “ranga” na ang ibig sabihin ay kaiga-igayang kasiyahan na may kalakip na malalim na paggalang at pagpapahalaga.

Nasa ikaanim na taon na ngayon ang Karangahan Festival, at gaya ng dati ay tatampukan ito ng isang higanteng Christmas Tree — na ngayon ay gawa naman sa Karagumoy, na ginagamit sa paggawa ng banig, sombrero, basket at iba pang handicraft.

Iniutos kamakailan ni Albay Gov. Joey Salceda sa mga pinuno ng mga tanggapan at mga kawani ng kapitolyo, sa pamamagitan ng isang memorandum, na “tiyakin ang ligtas at masayang pagdiriwang” ng Pasko kasama ang mga pamilya, mga kaibigan at mga turista.

Sa naturang memorandum, binigyang diin ng gobernador na mahalagang layunin ng Green Christmas ang zero casualty sa paputok at pagsulong ng kasayahan na walang gaanong polusyon. Ang Karangahan Festival ay malaking suporta sa mga programang Climate Change Adaptation at Disaster Risk Reduction (CCA-DRR) ng Albay, at nagbubunsod pa ng masiglang turismo sa lalawigan.

Para sa Green Christmas, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok at paggamit ng plastik sa mga dekorasyon at pambalot ng pagkain, at sa halip ay isinusulong ang paggamit ng mga organiko at katutubong materyales.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.