Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Albay, patuloy na dinadayo ng mga turista

$
0
0

LEGAZPI CITY – Punumpuno ang mga hotel sa Albay kaugnay ng katatapos na 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa Maynila, at sa pagdaraos ng Pacific Asia Travel Association (PATA) Conference sa Nobyembre 25-27 dito.

Kinilala kamakailan ng PATA ang Albay bilang “tourism destination of choice”, kaya naman dumadagsa rito ang mga turista.

Nakatulong din nang malaki ang masidhing suporta ng ABS-CBN TV reality show na Pinoy Big Brother (PBB) finals, na ginanap sa Albay nitong Nobyembre 7-8, na bumida ang mga kaakit-akit na tanawin sa probinsiya.

Punong abala ang lalawigan sa PATA Conference sa Nobyembre 25-27 sa Oriental Hotel dito para sa “New Tourism Frontiers Forum 2015”.

Isa ang Albay sa dalawang nagwagi ng $1-million CEO Challenge Award ng PATA, at personal na tinanggap ni Gov. Joey Salceda ang naturang parangal sa PATA Advocacy Dinner sa London.

Dahil na rin sa magkakatuwang na pagsusulong sa Albay bilang pangunahing dayuhin ng mga turista, ang dating 191 na kumpirmadong dadalo sa forum ay biglang lumobo sa mahigit 360.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.