Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Gumahasa, pumatay sa 11-anyos, tiklo

$
0
0

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 11-anyos na babaeng Grade 4 pupil ang brutal na pinatay matapos halayin ng isang 21-anyos na mangingisda sa bayan ng Balud sa Masbate.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang suspek na si Alvin Velarde y Magallanes, binata, ng Barangay Guinbanuahan, Balud.

Ayon kay Calubaquib, positibong kinilala ng Balud Municipal Police ang suspek, na nakapiit na ngayon matapos kasuhan ng rape with homicide na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Ang kaso ay isinampa nitong Lunes sa Provincial Prosecution Office ng Masbate City.

Sinabi pa ni Calubaquib na batay sa mga imbestigasyon ng Balud Police, Nobyembre 20 nang natagpuan ng isang Rodery Benoman y Maule, 37, mangingisda, at residente sa lugar, ang bangkay ng bata sa damuhan.

Batay sa masusing imbestigasyon, hinalay ang bata at pinatay sa pagsakal ng sinturon sa leeg nito.

Dagdag pa ni Calubaquib, sa inquest proceedings ay inamin ng suspek ang krimen, at pinangalanan ang dalawa pa niyang kasabwat na sina Nobe Mesa at Marlou Fuentes, kapwa residente ng nasabing barangay.

Inihahanda na ng Balud Police ang pagsasampa ng hiwalay na kaso laban kina Mesa at Fuentes. (Niño N. Luces)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.