Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Magsasaka, pinatay habang umiihi

$
0
0

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang isang magsasaka matapos siyang barilin ng kanyang mga kapitbahay sa Barangay San Francisco, Dingras, Ilocos Norte, nitong Martes.

Sinabi ng pulisya na umiihi si Jake Cabido sa harap ng kanyang bahay nang lapitan siya ng isa sa mga suspek at binaril siya nang malapitan, na agad niyang ikinamatay.

Kinilala ng mga testigo ang dalawang suspek na sina Rolly Antonio, kapitbahay ni Cabido at bumaril umano dito; at Jimmy Balucas, ng Barangay Sta. Ana, Solsona.

Napaulat na gumamit ang suspek ng .45 caliber pistol sa pamamaril.

Kinumpirma naman ng pulisya na naaresto na ni Balucas, habang pinaghahanap pa si Antonio. (Freddie G. Lazaro)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.