Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Militar, handa sa banta ng BIFF

$
0
0

ISULAN, Sultan Kudarat – Nakatanggap ng impormasyon ang ilang operatiba ng pamahalaan na binabalak umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa pangunguna ng isang Mohaiden Animbang, alyas “Kumander Karialan”, na sumalakay sa ilang posisyon ng militar sa Maguindanao, Sultan Kudarat at Cotabato ngayong Pasko.

Kaugnay nito, sinabi ng militar na nakahanda ang kanilang hanay sa anumang karahasan na maaaring gawin ng BIFF.
Ayon kay Lt. Col. Ricky Bunayog ng 33rd IB, may sakop sa ilang posisyon sa Maguindanao at Sultan Kudarat, hindi sapat ang kakayahan ng grupo para maglunsad ng pag-atake subalit hindi rin sila dapat na maging kampante lalung-lalo na sa pagsasaalang-alang sa seguridad ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak naman ni Senior Superintendent Danny Reyes, Sultan Kudarat police provincial director, na mas pinaigting pa nila ang police visibility sa latlawigan. – Leo P. Diaz


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.