Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Aga at Charlene, ‘di totoong magma-migrate sa U.S.

$
0
0

JAN2_AGA AT CHARLENE_please crop the letters copy copy

NASULAT kamakailan (hindi sa BALITA) na ibinibenta na ni Aga Muhlach ang ari-arian nila ni Charlene Gonzales sa Batangas dahil plano na nilang lisanin ang Pilipinas.

Base sa kuwento ay magma-migrate na raw si Aga kasama ang mag-iinang sina Charlene Gonzalez, Andres at Atasha.

Walang ibinigay na dahilan sa naturang item kung bakit aalis na ang aktor kasama ang pamilya, pero ang duda ng iba ay dahil sa kawalan ng projects dahil ilang taon na rin siyang hindi nakikita sa showbiz simula nu’ng hindi magtagumpay ang pagpasok niya sa pulitika noong 2013.

Pinagdududahan ng iba ang pagpapabalik-balik sa Amerika at maging sa iba’t ibang bansa ng pamilya nina Aga na paghahanda o inaalam kung saan sila magandang manirahan.

Sa tulong ni Bossing DMB, ipinatanong namin kay Aga kung trulili ang lahat ng bali-balita tungkol sa pagma-migrate nila sa ibang bansa.

Ang sagot kaagad ng aktor last New Year’s Eve: “Not true, boss! Will never migrate. Never ko iiwan Ang Pilipinas!

Happy New Year, brader!!! Gagawa pa ako ng pelikula! Haha!”

Hayan maliwanag na sa lahat ng mambabasa na hindi ibinibenta ni Aga ang ari-arian niya at hindi rin niya lilisanin ang Pilipinas.

Oo nga, gagawa pa talaga siya ng pelikula lalo’t babalik na siya sa ABS-CBN.

(Editor’s note: May inaasikasong negosyo sina Aga at Charlene sa ibang bansa. Samantala, malaki ang property nina Aga at Charlene sa Batangas, dini-develop nila ito, at ibinibenta — pero sa kadalang sa malalapit na kaibigan lang nila.) (Reggee Bonoan)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.