Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

KC Concepcion, wish maging closer sa pamilya

$
0
0

KC copy copy

MATAGAL-TAGAL na ring hindi napapanood sa isang regular show si KC Concepcion. Ang seryeng Give Love On Christmas Day noong 2014 pa ang last project na sinamahan ni KC at napanood din naman sa Huwag Kang Mawawala noong 2013.

Isang taon nang walang ginawang proyekto si KC sa ABS-CBN, kaya nagtatanong ngayon ang fans niya kung may project pa ba siyang gagawin sa Kapamilya Network.

Ayon sa nakausap naming ABS-CBN insider, hindi naman ang network ang may problema kundi si KC mismo. Ang aktres pala mismo ang nagpasabi na magpapahinga muna siya sa paggawa ng teleserye.

Dagdag pa ng aming source, maaaring gumawa ng serye ngayong taon si KC, pero nakarating na rin naman sa management ng Dos na interesado ang TV5 sa anak ng megastar. Si KC raw ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Panday serye ng actor na ididirek ni Carlo J. Caparas sa Kapatid Network.

“Iisa ang manager nina KC at Richard. Pareho silang hawak ng Viva kaya hindi imposible ‘yun. Pero ang magiging problema nga lang, eh, may kontrata pa yata sa Dos si KC,” sey ng kausap namin.

Pero knowing Boss Vic del Rosario, madali naman siguro nitong magagawan ng paraan na matuloy si KC bilang leading man ni Richard sa Panday. Nakausap din naman namin ang isang masugid na tagahanga ni KC na nagsabing bagay na bagay ang dalawa.

Samantala, sinabi ni KC sa isang post niya sa kanyang Intagram account na ang isa sa wish niya ngayong 2016 ay mas maging closer than ever sa kanyang pamilya. Gusto raw niyang mag-improve ang relasyon niya sa kanyang inang si Sharon Cuneta at sa younger sister niyang si Frankie Pangilinan.

“Malaki na rin si Frankie. She’s a teenager, she’s blooming. So I just want the family to be closer than ever, and I can’t do it alone. It’s teamwork. I want all of us to be happy and all of us to keep trying to keep each other happy,” banggit pa ni KC.

“Ngayon na wala na ‘yung lola ko, I really wish that my mom and I become closer than ever. I really want the best for her,” dagdag pa ng panganay ng megastar. (JIMI ESCALA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.