Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Bunso nina Juday at Ryan, atrasado na ang pagsilang

$
0
0

Ryan, Juday, Yohan at Lucho copy

EXCITED daw si Judy Ann Santos nang isilang niya ang panganay nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho, kaya 38 weeks lamang ay iniluwal na siya. But this time, lumampas na ang 38 weeks, hindi pa isinisilang si Baby Luna. Nakita at nakakuwentuhan namin si Ryan sa backstage ng Eat Bulaga noong January 1, at biniro na hindi pala natuloy ang pagdating ng bago nilang baby na tiyak na hinihintay na rin ng mga kapatid nitong sina Yohan at Lucho.

“Akala nga namin bago matapos ang taon isisilang na si Luna,” sabi ni Ryan. “Nasa 38th week na ng pregnancy si Juday, pero sabi ng kanyang doctor, p’wede naman na hanggang sa 40th week. Kaya ini-expect namin na by the second week of January, isilang na si Luna. Siguro raw tensed si Juday noon dahil magsisilang siya, pero this time, maayos daw ang kondisyon niya, walang stress, alam na niya kung paano magsilang, kaya ang baby, hindi rin nai-stress na lumabas agad. Kaya waiting lang kami kay Baby Luna.”

Happy si Ryan na bukod sa coming baby, bago natapos ang taon, nagsimula na ring mapanood sa AXN channel ang bago niyang reality show na Cash Cab na kunwari ay taxi driver siya pero namimigay ng cash sa lucky passengers.

Napapanood ito every Thursday evening at may replays. Kumusta naman ang sitcom niyang Ismol Family na two years nang napapanood sa GMA 7. “Masaya, hindi namin in-expect na after one season tuluy-tuloy pa rin kami, kaya siguro ngayon may changes uling magaganap. Magkakaroon daw kami ng bagong bahay, may bago ring concept ang story at marami pa kaming special guests na makakasama every Sunday, after ng Vampire Ang Daddy Ko.

Hindi rin naman maiinip maghintay si Ryan kay Baby Luna dahil everyday ay nalilibang siya sa work niya sa Eat Bulaga.
(NORA CALDERON)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.