NILAPITAN na naman ako ng kaibigan kong senior-jogger habang ako’y nagkakape at nagbabasa ng diyaryo. Ang komento niya ay tungkol sa tanim o laglag-bala ng mga “Manananim” (planters, hindi tagapagtanim) ng isa o dalawang bala sa bagahe ng mga kawawang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa amin sa Bulacan, maraming manananim ng palay ngayon.
↧