Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Mister na drug addict, ipinakulong ni misis

$
0
0

Binalewala ni Analyn C. Abunda, 37, ang kalungkutan sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil wala sa kanyang piling ang kanyang asawa.

Para kay Analyn, mas mahalaga ang may kapayapaan sa isipan matapos niyang ipakulong ang kanyang mister na si Christopher D. Abunda, 38, na isang drug addict.

Sa hiling ni Analyn, sinalakay ng mga tauhan ng Legazpi City Police, sa pamumuno ni Senior Insp. Millard C. Bongalon, ang bahay ng mag-asawa sa Purok 3, Barangay Victory Village, Legazpi City, at naaktuhan ng raiding team na bumabatak ng shabu si Christopher sa kanilang silid, dakong 1:45 ng hapon noong Miyerkules.

Nabawi ng pulisya sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu, tatlong nakarolyong aluminum foil, at sari-saring drug paraphernalia.

Nagpositibo rin si Abunda sa paggamit ng droga matapos siyang isalang sa drug test sa Regional Crime Laboratory Office 5, ayon kay SPO1 Gomercindo Bataller. – PNA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.