Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

‘OTWOL’, babalik sa U.S.

$
0
0

MAGBABALIK sa Amerika ngayong buwan ang grupo ng On The Wings of Love para sa ilang eksenang kukunan kina James Reid at Nadine Lustre.

Kuwento ng source sa amin, tatakbo sa kuwento ang pagbabalik-tanaw ng mga bida ng top-rating kilig-serye sa masasayang moments nang magkakilala sila sa San Francisco, USA.

Timing na timing naman dahil may OTWOL tour ang mga pangunahing bida kasama si Paulo Avelino sa Memorial Auditorium, Sacramento Calfornia sa Enero 10 at pagkatapos ay mag-i-extend para sa taping days na ididirek ni Antoinette Jadaone.
Speaking of Antoinette Jadaone, kailan kaya namin siya ulit mai-interbyu, Caress Caballero?

Samantala, ibinalita agad namin sa mga kaibigan at kaanak naming balik-Sanfo ang OTWOL stars at ang agad na itinanong ay kung ka-join din daw si Albie Casiño na mas kilala bilang si Jigs. Hmmm, marami rin palang may gusto sa aktor?

Tinanong din kami kung kasama rin sa OTWOL tour sina My Labs Tiffanny (Bianca Manalo) at Boyet (Nico Antonio) dahil tuwang-tuwa raw sila sa tambalan ng dalawa.

At siyempre, binanggit din sina Bailey May at Ylona Garcia na marami na ring tagahanga sa US.

Tinanong namin ang taga-TFC kung ka-join ang mga nabanggit, pero hanggang sa matapos naming tipahin ito ay hindi kami sinagot. (Reggee Bonoan)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.