Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Sunshine, New Year’s wish ang annulment ng kasal kay Cesar

$
0
0

SI SUNSHINE AT ANG MAY-AKDA copy

PINAPANGARAP ni Sunshine Cruz na mailagay sa ayos ang takbo ng kanyang buhay pamilya kasama siyempre ang tatlong anak niya. Kaya isa raw sa mga New Year’s wish niya ay matapos na at makuha na niya ang annulment ng kasal nila ng kanyang dating asawa.

Pero agad binigyang-diin ni Sunshine na hindi niya inaapura ang nasabing annulment para lang makapag-asawa o magkaroon ng bagong karelasyon. Gusto niyang matapos na ang ayon sa kanya ay ilang taon na ring naging pahirap sa schedules niya, at siyempre para na rin daw ‘yun sa ama ng kanyang mga anak.

Wala na rin daw namang pag-asa na magkasundo pa sila. Na-realize na rin nila na imposible na silang magkasundo kaya sana raw ay ma-grant na ang annulment.

Maging ang tatlong magagandang dalaginding ni Sunshine ay pabor na rin naman na makakuha na ng annulment ang kanilang ina. Sa totoo lang, sa ibang kaso ng annulment ay kontra ang mga anak, pero suportado ng mga anak ang kagustuhan ni Sunshine.

Sa totoo lang din naman, dito nga lang sa Pilipinas, napakabagal ng usad ng kaso ng annulment. Hanggang maaari, mukhang pinipigilan pa ‘yan ng mga hukuman natin. Kasi nga, iyan ay personal namang problema, at siyempre inuuna nila ang mga kasong kriminal na tambak din naman sa mga hukuman natin.

Sa kaso naman ni Sunshine, gusto niya talaga ng annulment para matuldukan na forever ang problema, at malaman din naman ng isa’t isa kung ano ang kanilang reponsibilidad sa buhay.

Nakahanda naman si Sunshine, at naniniwala siya na may kakayahan siya para buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang tatlo niyang anak. (JIMI ESCALA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Girasoles para colorear


Pokemon para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


RE: Mutton Pies (frankie241)


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE