Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Cristine Reyes, mabait na ngayon –Direk Chris Martinez

$
0
0

1Z9A7733 copy

IDINAAN sa biro ng ilang katoto ang pagtatanong kay Cristine Reyes sa presscon ng pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na hango sa libro ni Bob Ong kung nagbago na siya at kung hindi na siya nagwo-walkout sa shooting ng pelikula.

Ito raw kasi ang ginagawa ng aktres kapag wala sa mood, sabi ng ilang katoto na ikinatawa naman si Cristine na nagsabing excited siyang magtrabaho ulit dahil na-miss niya.

“Excited ako kasi nakatrabaho ko ulit si Direk Chris Martinez, bago ako nabuntis, nagkatrabaho kami sa The Gifted, ‘tapos pagkatapos kong manganak, kami ulit ang magkasama,” masayang sabi ng aktres.

“Cristine did a wonderful job sa episode namin (Asawa ni Marie), ‘laki ng ipinagbago ni Cristine, ang bait-bait niya ngayon,’ hirit naman ni Direk Chris. “Siguro dahil may baby na siya, she’s starting a family, mas seryoso na siya ngayon sa set, less playful saka prepared, very professional at saka mas maganda na siyang kasama ngayon, hindi ko pa ito nasasabi kay Cristine, pero ‘thank you very much, for being nice.’

Nagkatawanan ang lahat ng tao sa Music Hall, Metrowalk dahil hindi ganito ang naririnig na working attitude ni Cristine.

“Nicer ka ngayon,”sabi ulit ni direk Chris kay Cristine.

Si Antoinette Taus ang kontrabida ni AA (palayaw ni Cristine) sa episode na “Asawa ni Marie” at totohanan ang sampalang eksena nila.

“Ano kasi, spoof kasi ‘yung episode namin ng mga Mexican telenovelas like Marimar, ‘tapos Filipino drama, kaya perfect ‘yung pagkakontrabida ni Antoinette kasi lumabas ‘yung pagkamaldita niya sa eksena.”

Going back to Cristine, civil wedding daw muna ang uunahin nila ngayong Enero ng boyfriend niyang si Ali Khatibi at susunod na lang daw ang kasal nila sa simbahan. (Reggee Bonoan)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


EASY COME, EASY GO


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear