Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Claudine at Cesar, naka-chopper pagpunta sa taping ng TV5 serye

$
0
0

NAGSIMULA nang mag-taping si Claudine Barretto ng teleserye niya sa TV5 na Bakit Manipis Ang Ulap na magsisimula ang airing sa February.

Sa mga pictures na ipinost niya sa Instagram, sila pa lang ni Cesar Montano ang nag-taping na sabi ni Claudine, dream come true sa kanyang makatrabaho.

“With The Cesar Montano” ang caption ni Claudine sa picture nila ng aktor. Wala pa silang eksena ni Diether Ocampo na isa rin sa leading man ni Claudine sa first teleserye niya sa TV5 sa direction ni Joel Lamangan.

Bongga ang production ng Bakit Manipis Ang Ulap dahil para hindi matrapik sina Claudine at Cesar papunta sa location nila sa Timberland Heights sa San Mateo, sumakay sila ng Grab chopper at hindi nag-travel by land.

Samantala, na-bash si Claudine nang i-post ang old letters ni Rico Yan sa kanya. Bakit daw ibinabalik pa niya ang nakaraan? Saka, hindi raw maganda ang ginagawa niya dahil may asawa pa rin siya sa mata ng Diyos, pero ipino-post ang old letters ng kanyan ex.

May nag-akusang ginagamit ni Claudine si Rico para muling bumango ang career dahil magka-comeback siya sa teleserye.

May mga pumabor naman sa ginagawa ni Claudine lalo at may permiso naman ng kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan ang ginagawa niya.

Maikli at simple ang sagot ni Claudine na inilalabas niya ang old letters para lang mapasaya ang fans ni Rico at fans nila na nangungulila rin sa namayapang aktor. (Nitz Miralles)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.