Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Pia Wurtzbach, pinaghahandaan ng bonggang motorcade

$
0
0

pia wurtzbach copy

EXCITED na sa nakatakdang homecoming sa January 23 ang ating Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach. Ang head ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na si Mrs. Stella Araneta ay naghahanda at nakikipag-ugnayan sa mga alkalde ng Quezon City, Manila, Makati at iba pang mga siyudad sa Kamaynilaan para sa magarbong pagsalubong kay Pia.  
Sa January 24, haharap si Pia para sa isang grand press conference at sa kasunod na araw ay ang motorcade na inaayos pa sa ngayon ang ruta. 

Bago umuwi sa kanyang home province, sa Cagayan de Oro, plano muna niyang pumunta ng Indonesia para sa isang charity event. Bahagi iyon ng kanyang duty as Miss Universe.

Naging busy si Pia simula nang manalo bilang Miss Universe at aniya’y nagsisimula ang kanyang trabaho ng alas singko ng umaga. Ini-enjoy naman niya ang bawat sandali ng kanyang reign as Miss Universe. 

Bago pa siya manalo as Miss Universe, ginunita ni Pia ang mga sandaling lagi siyang nagpupunta sa Baclaran Church at hinihingi sa Diyos ang korona ng Miss Universe, na ipinagkaloob naman sa kanya. 

Ngayon ay pulos “thank you” na lamang ang kanyang ipinaaabot sa Panginoon tuwing nagdarasal siya. 

“Nagpunta ako sa church dito (New York), ‘tapos nag-thank you ako. Kasi ayoko kasi ‘yung every time na nagsisimba ka, palagi ka na lang hiling nang hiling, pero hindi ka nagpapasalamat. So, ako ngayon, puro pagpapasalamat lang ako,” pahayag ni Pia sa isang interview.

“Last request ko na lang siguro is bigyan Niya ako ng strength at wisdom na matuluy-tuloy ko ‘yung responsibility ko. Alam ko namang magkakaroon ng mga challenges, pero bigyan Niya sana ako ng lakas at wisdom to make the right decisions all the time,” pagtatapos ng pinakamagandang babae sa balat ng lupa. (ADOR SALUTA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tropa Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


INUMAN QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.