Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Malakas ang dating

$
0
0

SABI na nga ba’t mapapalitan pa rin ang title ng Star Cinema movie nina Batangas Gov. Vilma Santos, Xian Lim at Angel Locsin dahil sa showing ng movie sa January 27, hindi na The Caretaker o All of My Life ang title nito. Sa napanood naming trailer ng movie sa YouTube, Everything About Her na ang title ng movie.

Maganda ang sana ay final title na ng movie, bagay kay Gov. Vi at very Hollywood ang dating para sa amin. Tunog foreign movie, hindi tunog kanta (kung may song man na ganito ang title).

Malakas ang dating ng trailer ng Everything About Her, na gumaganap si Vilma sa role ng isang CEO, anak niya si Xian at private nurse naman niya si Angel. Magkakakanser si Vilma at may eksena na para siyang si Sen. Miriam Santiago na matapang na lalabanan ang sakit.

Ang ganda ng mga eksena nina Vilma at Angel, gaya noong sabunutan at saktan ng una ang huli, ‘yung tanungin ni Vilma si Angel kung gusto ang anak niya. Ang pinakagusto naming eksena ay nang sumuka si Vilma sa kanyang Hermes bag dahil iyon ang mabilis na nailapit ni Angel. Ang dialogue ni Vilma, sa susunod, sa Balenciaga bag niya naman siya susuka.

Excited na ang Vilmanians, ang fans ni Angel at fans ni Xian na mapanood ang movie na opening salvo ng Star Cinema for 2016. Mula ito sa direction ni Bb. Joyce Bernal at kasama sa cast si Michael de Mesa. (Nitz Miralles)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.