Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trike driver, binaril ng pasahero, patay

$
0
0

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng tricycle ng kanyang mga kasamahan ang isang lalaki, makaraan siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na naging pasahero niya sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Danilo Amparado, 53, tricycle driver, ng 1894 Kamagong Street, Bagbaguin, Barangay 165 ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

Ayon kay PO3 Gomer Mappala, dakong 10:00 ng gabi nang sumakay sa minamanehong tricycle ni Amparado ang suspek sa Ciudad Grande, Bagbaguin sa Bgy. 165, Caloocan City.

Pagbaba ng salarin, binaril nito sa ulo ang biktima saka mabilis na tumakas.

“Base sa pahayag ng ilang saksi parang nagtalo daw sa pasahe ‘yung victim at suspek hanggang sa humantong sa barilan,” ani Mappala.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan ng salarin. (Orly L. Barcala)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Tropa Quotes


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


Smile Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!