Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Ayaw mamigay ng ani, ginilitan ng ama

$
0
0

Patay ang isang lalaki makaraan siyang gilitan at halos mapugutan na ng sarili niyang ama sa Naguilian, Isabela, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Naguilian Municipal Police, nangyari ang krimen nitong Huwebes ng hapon sa Barangay Flores, Naguilian.

Sinabi ng pulisya na tinaga at halos mapugutan si Leo Baquiring, 33, may asawa, magsasaka, ng kanyang amang si Oscar Baquiring, 54, ng Bgy. Flores, Naguilian.

Batay sa imbestigasyon, nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama kaugnay sa lupang sinasaka ng anak.
Nais ng ama na bawiin ang lupang ipinasasaka sa anak dahil hindi ito namamahagi ng ani sa kanya.

Nagalit umano si Leo at nagbantang magkakamatayan sila kapag binawi ng ama ang sinasaka niyang lupa.

Dahil dito tinaga ng ama ang biktima sa leeg habang nakahiga ito sa isang duyan.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek, na nahaharap sa kasong parricide. (FER TABOY)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


INUMAN QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tropa Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.