Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Coco, enjoy na sa pagiging girl sa ‘Ang Probinsiyano’

$
0
0

Ni REGGEE BONOAN

COCO copySI Vice Ganda kaya ang peg ni Coco Martin bilang si Paloma na going places na?

Akala namin noong una, magsusuot ng damit pambabae lang si Coco bilang Cardo sa Ang Probinsiyano dahil gusto nga niyang mapasok ang sindikato ni Olga (Gina Pareño) at na-pick up nga siya ng isang negro.

Aba, e, mukhang ini-enjoy na ni Coco ang pagdadamit babae, dahil bukod sa pagiging prosti ay naging saleslady na rin siya dahil nga dinukot naman si Dawn ng PBB 737 na nagtatrabaho sa department store.

Ang nakakaloka pa, nilalandi siya ni Jason Francisco at humiling pa ng halik na pinagbigyan naman sa pisngi na malapit sa labi.

Ang landi-landi ng reaksiyon ni Paloma dahil bagay na bagay sa kanya ang mata niyang singkit na tila nanunukso.

Pero hindi tapos ang sorpresa dahil sa ipinapakitang trailer ngayon ay sasali si Coco sa beauty contest. Ano ito?  Halatang nag-e-enjoy na ang tigasing aktor sa pagiging girl ng role niya.

Kaya bigla naming naalala si Vice na sa beauty queen sa pelikula nilang Beauty and The Bestie. Hmmm, baka naman nahingahan na ng GGV host ang bestie niya?

Nakakaintriga tuloy ang biro ni Coco sa nakaraang thanksgiving presscon naman niya na, “Panay ang tanong ninyo kung may girlfriend ako, ngayon alam n’yo na.”

Hala ka Coco, baka mahipan ka ng hangin, ikaw rin!

Tiyak na malayo pa ang tatakbuhing kuwento ng Ang Probinsiyano. Trulili kaya ang naririnig naming tsikang hanggang Setyembre na ito? E, kaka-announce pa lang na hanggang Hulyo ito?  

Kung totoo ito, bongga, mahigit isang taong eere ang serye ni Coco? Baka mag-abot ito at ang part two ng Beauty and The Bestie.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Girasoles para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Pokemon para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!